Sa harapan ng luklukan Ni Jehobang Manlalalang, Magsiyukod, mga bayan; Siya ay Diyos, Siya lamang.
Sa kanyang kapangyarihan, Putik tayong inanyuan; Nang sa daan ay maligaw, Ibinalik N'ya sa kawan.
Ang pintuan doon sa langit Lilipusin ng pag-awit; Itong lupa na nawaglit Magpupuring may pag-ibig.
Kasinlawak nitong mundo, Utos ng Diyos na totoo; Sintibay ng isang bato, Katotohanan ni Kristo.